Hiniling ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Interior and Local Government (DILG) na taasan na ang daily travel allowance o per diem at representation and transportation allowance (RATA) ng mga local government official.
Ito aniya ay upang mapalakas ang domestic tourism kasabay ng pagbabalik ng face-to-face engagements.
Naniniwala si Salceda na ang pagtaas ng rates ay malaking boost sa mga Meetings, Incentives, Conferences, at Exhibitions na nakaranas ng losses dahil sa pandemic.
Punto ng kongresista, 2013 pa huling na-update ang RATA at mula sa taong iyon hanggang 2022 ay bumaba na ang halaga ng kada piso sa ₱0.75 centavos.
Ito ay bukod pa sa naitalang pagtaas sa inflation rate.
Kaya hiling ni Salceda, itaas ang RATA ng hindi bababa sa 35%.
Pinare-review din ng Albay solon ang per diem rates sa kada biyahe ng local officials.
Paalala nito na batay sa Executive Order 77 series of 2019, ang rate para sa travel expense at allowance ay kailangan sumailalim sa pagrepaso kada tatlong taon base na rin sa itinaas ng lodging costs at iba pang economic indicators.
Mula sa kasalukuyang ₱1,500 hanggang ₱1,800 ay pinatataasan ito ng kongresista sa ₱1,688 hanggang ₱2,026.