-- Advertisements --

Binabaan ng Manila-based multilateral lender na Asian Development Bank (ADB) ang kanilang economic forecast para sa Pilipinas ngayong 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa inilabas nilang Asian Development Outlook 2021, sinabi ng ADB na ang kanilang projection para sa ekonomiya ng Pilipinas ay lalago ng 4.5% ngayong taon.

Mas mababa ito kumpara sa nauna nilang inilabas na projection noong Diseymbre 2020 na 6.5% growth para ngayong 2021.

Gayunman, pasok pa rin naman ang revised growth forecast na ito sa projections naman ng economic managers ng Duterte administration na 6.5% hanggang 7.5% para sa kasalukuyang taon.

Nauna nang inamin ni NEDA Sec. Karl Kendrick Chua na maaring mas mahina ang economic growth ngayong taon kumpara sa estimates nila dahil sa umiiral pa ring community quarantines bunsod nang pagtaas ng mga naitatalang bagong kasp ng COVID-19.

Ayon naman kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin DIokno, maaring babaan din ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang gross domestic product target nito ngayong taon sa 6% mula sa 7%.