-- Advertisements --

Umangat na naman ang Women’s Tennis Association (WTA) rankings ni Filipina tennis player Alex Eala.

Sa pinakahuling inilabas na rankings ng WTA ay nasa pang-214 na ito.

Nitong Oktubre lamang kasi ay nasa rank 252 nito.

Nakalista rin si Eala sa pang- 31 sa International Tennis Federation (ITF) junior list.

Nananatili ang 17-anyos na si Eala ang highest ranked player sa Southeast Asia.

Huling torneo na sinalihan nito ay ang W80 Poitiers sa France pero nabigo sa semifinals sa kamay ni WTA World number 105 na si Yssaline Bonaventur ng Belgium.