-- Advertisements --
Umangat ang puwesto sa Womens Tennis Association ni Pinay tennis star Alex Eala.
Mula kasi sa dating 217 na puwesto ay nasa pang 195 na ito ngayon.
Ang nasabing ranking ay inilabas ng WTA nitong Agosto 28 kung saan umabanse ng 22 spots ang 18-anyos na tennis star.
Nitong unang linggo kasi ng Agosto ay nakuha ni Eala ang pang-apat na ITF title ng magwagi siya sa W25 Roehampton tournament sa Great Britain.
Sinundan nito ang pagiging runner-up ng W25 Aldershot title sa Great Britain.
Magugunitang hindi na sumabak si Eala sa US Open ngayong taon para paghandaan ang paglalaro niya sa Japan at sa Asian Games na gaganapin sa China sa susunod na buwan.