-- Advertisements --
Pasok na sa ikalawang round ng US Open juniors si Number 10 Alex Eala matapos talunin si Annabelle Xu ng Canada.
Hindi na pinaporma ni Eala ang kalaban nito ng tuluyang tambakan 6-3, 6-0.
Ito ang unang US Open girls’ tournament junior events ng 17-anyos na si Eala.
Ang Women’s Tennis Association (WTA) World Number 297 ay mayroong dalawang girls doubles grand slam titles mula sa 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros.
Susunod na makakaharap nito sa second round si Ninva Vargova ng Slovakia.