-- Advertisements --
Nananatiling paborito pa rin na manalo si Pinay tennis star Alex Eala sa ikalawang round ng Jingshan Tennis Open sa China.
Makakaharap niya ngayong araw kasi Mei Yamaguchi ng Japan para sa round of 16 ng torneo.
Nakapasok sa second round si Eala matapos na ilampaso si Aliona Falei ng Belarus.
Bagamat nasa ranked 268 ang Japanese tennis player at mayroon na itong dalawang International Tennis Federation Title (ITF) singles sa kaniyang titulo.
Pagkatapos ng nasabing ng Jingshan Tennis Open ay sasabak pa si Eala sa WTA 125 Suzhou Open mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 5 at Hong Kong Open mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 2 bago ang pagsabak niya sa 33rd Southeast Asian Games na buwan na Disyembre na gaganapin sa Bangkok, Thailand.