-- Advertisements --
Nanguna sa listahan ng mga pambato ng tennis para sa 19th Asian Games si Filipino tennis prodigy Alex Eala.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na babandera siya sa individual category ng nasabing torneo.
Ang 18-anyos na si Eala ay sumasabak na sa iba’t-ibang torneo na karamihan ay mula sa Europa.
Makakasama ng ranked 262 na si Southeast Asiang Games gold medalist Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales para sa Asian Games na gaganapin mul Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 sa Hangzhou, China.










