-- Advertisements --

Agad na mapapasabak sa matinding laban sa first round ng Mubadala DC Open sa Washington, DC si Pinay tennis star Alex Eala.

Nakatakda niya kasing makaharap si Zheng Qinwen ng China.

Ang 23-anyos na si Zheng ay nagwagi ng singles gold sa 2023 Asian Games at 2024 Paris Olympics.

Noong 2025 Wimbledon ay nagtamo ito ng injury na nagresulta sa pag-opera ng kaniyang kanang siko.

Huling nakaharap ni Eala si Zheng ay noong Asian Games 2023 kung saan nabigo si Eala sa laro na umabot ng tatlong oras.

Mayroong ranking si Zheng na 123 sa buong mundo kung saan ang pinakamataas na ranking nito ay number 4.

Aminado si Zheng na magiging malaking hamon para sa kaniya ang paghaharap kay Eala dahil sa ilang taon na ang nagdaan at maraming mga pagbabago ito sa laro.

Gaganapin ang paghaharap ng dalawa ng ala-1 ng umaga ng Miyerkules , Hulyo 29.