-- Advertisements --

Inaalerto na ng Pagasa ang mga residente Eastern Visayas, Caraga at Davao region, dahil sa posibleng ulan, baha at pagguho ng lupa na maaaring mangyari dahil sa typhoon Bising.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 895 km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 130 kph at may pagbugsong 160 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Maaaring sa mga susunod na oras ay magtaas na ng tropical cyclone wind signals sa mga lugar na sakop ng outer band ng naturang sama ng panahon.