-- Advertisements --
image 179

Umaasa ang Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP), ng higit pang mga tax break matapos na iendorso ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang version ng isang executive order, na kinabibilangan ng mga electric motorcycle sa mga import tariff incentives.

Ito’y, isang hakbang upang palawakin at isulong ang elektripikasyon ng sistema ng transportasyon sa bansa.

Ang pagsasama ng mga e-motorcycle sa tax break ay agresibong itinulak ng iba’t ibang grupo matapos itong hindi isama sa orihinal na bersyon ng Executive Order (EO) 12 na nagkabisa noong Pebrero 20 ngayong taon.

Sa ilalim ng nasabing EO, ang iba’t ibang uri ng mga e-vehicles at ang mga bahagi nito ay nakatanggap ng mga tax break, kasama ang pagbubukod ng mga e-motorcycles na napapailalim pa rin sa 30% tariff rate.

Ang naturang EO ay sasailalim sa isang mandatoryong pagsusuri pagkatapos ng pagiging epektibo nito, na nakatakda sa Pebrero sa susunod na taon.

Una nang sinabi ni Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) President Edmund Araga na ang pagbibigay ng mga tax break para sa mga e-motorcycle ay makakatulong na magkaroon ng mas maayos na electric transportation ang bansa at bumuo ng lokal na industriya para dito.