Tumatanggap na ngayon ng mga e-Group Visa application ang South Korea para sa mga regular tourists nito.
Ito ang inihayag ng Embassy of the Republic of Korea in the Philippines kasunod ng pagpapahintulot ng Ministry of Justice sa Korea hinggil sa pagtanggap ng nasabing aplikasyon.
Mula Hunyo 27, papayagan na ang isang grupo na may hindi bababa sa tatlong miyembro na mag-aplay para sa e-Group Visa sa pamamagitan ng mga sumusunod na piling mga travel agencies:
-Ang Airmark Tour and Development Inc.
-Ark Travel Express Inc.
-Grand Hope Travel, Inc.
-Horizon Travel & Tours, Inc.
-Island Resort Club Tour Services Inc.
-Marsman Drysdale Travel Inc.
-Pan Pacific Travel Corporation
-Rajah Paglalakbay Corporation
-Rakso Air Traven and Tours Inc.
Ayon sa embahada, ang mga turista ay maaaring magmula sa isang company incentive tour group, isang educational tour group na mas mababa sa collegiate level, o isang regular na tour group.
Ngunit ang mga ito ay dapat na pumasok at lumabas sa nasabing bansa gamit ang kaparehong vessel, flight, o iba pang same scheduled means of transportation.
Samantala, kaugnay nito hinimok naman ang mga turista na magtanong sa mga accredited travel agencies para sa application procedure at requirements.