-- Advertisements --

Dismayado ang Bayan Muna party-list sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure (SOT) Bill.

Sa isang statement, sinabi nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite na tuluyang tinalikuran ng ng Punong Ehekutibo ang mga manggagawang Pilipino sa naging desisyon nito.

Ayon kay Zarate, vineto ng Pangulo ang naturang panukala kahit pa “malabnaw” na bersyon ang pinapapirmahan rito.

Mas mahalaga pa aniya sa Punong Ehekutibo ang mga kapitalista kaysa mga naghihirap na mga manggagawa.

“Isa na namang campaign promise ang hindi tinupad ni Presidente Duterte dahil dito,” ani Zarate.

Samantala, sinabi naman ni Gaite na malinaw sa veto message ng Pangulo kung paano nito ibinasura ang kanyang campaign promise na tuldukan ang kontraktwalisasyon.

Mahaba aniya ang paliwanag ni Duterte kung bakit kailangan pa rin ang kontraktwalisasyon dahil dapat na payagan aniya ang mga negosyo sa pagkakaroon ng job orders.

“This is the crux of the contratualization issue and the reason why a majority of labor groups oppose the SOT bill as it still allows capital to determine work related relationships,” ani Gaite.

“Though we oppose that watered-down SOT Bill, we do not oppose providing genuine security of tenure to the workers. However, Pres. Duterte is opposing the Bill for an entirely different reason, that is protecting the rights of capital,” dagdag pa nito.

Isa ang Bayan Muna sa mga co-authors ng SOT bill sa Kamara pero binawi ng mga ito pagiging may-akda dahil ilan sa mga probisyon sa panukala ay pagpayag sa mga kompanya sa pagtukoy sa wor-relationship, at labor-only contracting.