-- Advertisements --

Hinikayat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos na pakinggan ang payo ng kaniyang legal team ukol sa pag-imbestiga ng International Criminal Court sa mga naganap noon na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Sinabi nito na sundin na lamang ni Marcos ang anumang suhestiyon ng kaniyang legal counsel at hayaan na lamang siya.

Pagtitiyak ni Duterte na kaya niya ang kaniyang sarili kahit anupaman ang gawin ng ICC.

HInamon pa ni Duterte ang ICC na magtungo na lamang sila sa Davao City at handa siyang harapin sila.