CENTRAL MINDANAO- Hinigpitan pa ng mga otoridad ang seguridad sa probinsya ng Cotabato sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ang Presidente ay tutungo sa M’lang National High School sa M’lang North Cotabato.

Mamahagi ng tulong o tseke ang pangulo sa mga pamilya na namatayan,mga nasugatan at nawalan ng tahanan sa magkasunod na malalakas na lindol sa probinsya ng Cotabato.

Posibling mamahagi din ng titulo ng lupa o Certificate of Land Ownership (CLOA) si Duterte sa mga magsasaka.

Sa ngayon ay naka-antabay na sina Cotabato Governor Nancy Catamco,Vice-Governor Emmylou”Lala”Mendoza,M’lang Mayor Atty Russel Abonado at ibang lokal opisyal sa pagdating ng Pangulo.

Kasama ng Presidente sina Senador Bong Go,MINDA Chair at dating DA Secretary Manny Piñol at ibang miyembro ng gabinete.

Posibling makipagpulong din ang Presidente sa mga opisyal ng probinsya sa matagal nang nakatiwangwang na Central Mindanao Airport sa bayan ng Mlang.