-- Advertisements --

Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin na nabigyan sila ng mga baril ni Pastor Apollo Quiboloy.

Inamin nito na mayroon siyang mahgiit 500 na baril dahil bahagi ito sa kaniyang mga koleksyon.

Ang mga ito aniya ay may dokumento at maging siya ay may sariling personal na baril bilang proteksyon.

Ipinagtanggol din nito si Quiboloy kung saan kaya ito nagtatago ay dahil sa may banta ito sa buhay.

Hindi rin aniya ito dapat na pilitin na dumalo sa pagdinig sa senado dahil ang nasabing usapin sa kaniya ay hindi naman maituturing na national interest.