Sinaksihan kagabi nina Sen. Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte ang decommissioning ng nasa 727 armas ng mga miyembro ng Rebolusyonaryong Partido Ng Manggagawa-Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade-Tabara Paduano Group (RPM-P/RPA-ABB-TPG) sa Camp General Macario B. Peralta, Jr. sa Jamindan, Capiz.
Ang RPM-P/RPA-ABB-TPG ay splinter group n New People’s Army (NPA) na naka-base sa Western Visayas.
Sa ambush interview, sinabi ni Sen. Go na ang mga dating ay mabibigyan ng trabaho at livelihood and housing assistance para makapagsimula ng normal na buhay.
“Bibigyan sila ng livelihood, trabaho at pabahay mula sa pamahalaan,” ani Sen. Go.
Kasabay nito, hinikayat ng senador ang ibang rebeldeng grupo na ibaba na ang kanilang mga armas at suportahan ang mga programa at inisyatiba ng pamahalaan.
“Ine-encourage sila ng mahal na Pangulo na magbalik-loob sa pamahalaan. Hindi lang sila, it also goes with the NPA. Welcome po kayo,” dagdag ni Sen. Go.