-- Advertisements --
Humingi nang paumanhin ang hari at reyna ng The Netherlands matapos ang pagkalat ng larawan nila sa paglabag sa social distancing.
Nangyari ang pagkuha ng larawan kina King Willem-Alexander at Queen Maxima habang sila ay nagbabakasyon sa Greece.
Sa kanilang Twitter, tanggap nila ang pagkakamali sa pagiging malapit at nakalimutan ang maglagay ng distansya.
Mahigpit kasing ipinapatupad ang social distancing sa Greece dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.