-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Brooklyn Nets ang dating top team sa Eastern Conference matapos na talunin sa score na 110-95.
Kumamada si Kevin Durant ng 23 points na sinamahan ni Seth Curry ng 17 para ipatikim sa Heat ang ikaapat na sunod na talo.
Umabot pa sa 37 ang naging kalamangan ng Nets na hindi na kinayang mahabol pa sa huli ng Miami.
Nanguna sa opensa ng Miami si Bam Adebayo gamit ang 14 points.
Ang All-Star na si Jimmy Butler ay inalat naman na meron lamang seven points.
Ang head coach ng Heat na Fil-Am na si Erik Spoelstra ay hindi nakasipot dahil sa isyu sa pamilya kaya.
Sa ngayon No. 1 na sa Eastern ang Sixers at bumaba sa No. 2 spot ang Miami.