MANILA – Hindi naniniwala si Health Sec. Francisco Duque III na iniipit ng ilang mambabatas ang mga doktor na sangkot sa iligal na pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa ilang uniformed personnel.
“I’m not buying the explanation that the doctors administering the shots are being pressured by lawmakers,” ani Duque.
“Someone is peddling the service and it is unacceptable.”
Pahayag ito ng kalihim sa gitna ng mga ulat na ilang mambabatas umano ang nagpupulong sa mga hotel, at doon isinasagawa ang pagbabakauna.
Ayon kay Duque, pinalalala lang ng insidente ang sitwasyon dahil maraming health workers na ang nawalan ng buhay sa halos isang taon na pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus.
“Our frontlines have been struggling with the rising cases from the beginning. This will only make the situation worse. The risks cannot be denied and may even prove fatal to some.”
Sa ilalim ng COVID-19 vaccine roadmap na binalangkas ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez, nakasaad na mga health workers ang una sa listahan ng mga prayoridad na mabigyan ng bakuna.
Ang mga uniformed personnel naman, militar, at pulis ay nasa pang-limang pwesto.
Nagmamatigas ang Presidential Security Group (PSG) na sabihin kung saan galing ang sinasabing bakuna ng Chinese company na Sinopharm, na napaulat na itinurok sa ilan nilang personnel.
Ani Duque, tatanggalan ng lisensya ang mga doktor na mapapatunayang sangkot sa iligal na pagbabakuna.
Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo, na patuloy ang koordinasyon nila sa Bureau of Customs para sa imbestigasyon.
Sa ngayon ang kompanyang Pfizer pa lang daw ang nagpapasa ng aplikasyon para sa emergency use authorization.
“We understand the urgency of the situation and we are carefully reviewing the documents they submittted and taking into account the possible risk to the public.”
“We will make a decision at the soonest possible time.”