-- Advertisements --

Mismong si Health Sec. Francisco Duque III na ang hihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang ban sa pagdalo nilang mga cabinet officials sa serye ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Ayon kay Duque, kaisa siya sa panawagan ng 45 medical workers groups para magkaroon ng linaw ang isyu ng deal na pinasok ng gobyerno sa Pharmally.

Payo ng health secretary, magkaroon lang sana ng maagang abiso at kung hindi naman gaanong madalas ang hearings, kakayanin nilang maka-participate sa mga ito.

Una nang sinabi ng opisyal na handa siyang sagutin ang lahat ng tanong ng mga senador, lalo’t hangad rin naman nila ng malinis na mga proseso sa loob ng kanilang ahensya.