-- Advertisements --

Inirekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability na kasuhan si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal hinggil sa mga issue sa COVID-19 pandemic response ng national government.

Sa kanilang committee report na may petsang Disyembre 16, 2021 pero ngayong araw, Enero 26, 2022, lamang naibigay sa media, ay inendorso ng komite ang paghahain ng reklamo laban kina Duque dahil sa paglabag umano ng mg aito sa Republic Act No. 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007.

Kabilang sa mga inirekomendang makasuhan ay sina dating Food and Drugs Administration chief Eric Domingo at si Center for Drug Regulation and Research Director Joyce Cirunay.

Bukod dito, inirekomenda rin ng komite na kasuhan sina Duque at Dominggo dahil sa umano’y paglabag din ng mga ito sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.