Itinanggi ng singer na si Dua Lipa ang mga ulat na tutugtog siya sa opening ceremony ng FIFA World Cup sa Qatar.
Sa kaniyang social media sinabi nito na bibisita lamang siya sa Qatar kapag igagalang na ng gobyerno ang karapatang pantao.
Dagdag pa nito na mag-cheer na lamang siya sa England football team pero nasa ibang lugar siya at hindi sa Qatar.
Binabatikos kasi ang Qatar dahil sa paglabag sa karapatang pantao, hindi pagkilala sa same-sex relationship at ang hindi makataong pagtrato sa mga migrant workers.
Isinilang si Lipa sa London at ang magulang nito ay Kosovar at Albanian.
Magugunitang ilan sa mga magtatanghal sa opening ceremony ay sina Robbie Williams at Jung Kook ng BTS.
Hindi lamang siya ang artist na tumangging magtanghal dahil naunang tinanggihan ng singer na si Rod Stewart na tumugtog sa nasabing World Cup.