-- Advertisements --
image 364

Nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng cash subsidies para sa mga retailer na apektado ng rice price ceiling sa maraming lungsod sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila ng nararanasang issue o glitch sa mga pangalan ng benepisyaryo.

Sa Marikina City, hindi bababa sa 300 rice retailers ang pumila para sa ayuda sa kanilang Civic Center sa Barangay Concepcion Dos.

Gayunpaman, natatakot ang ilang mga benepisyaryo na baka hindi nila makuha ang kanilang bahagi dahil sa mga error sa pag-verify tulad ng mga maling pangalan sa panahon ng validation process.

Ngunit tiniyak ng Department of Trade and Industry sa mga retailer na ang mga maliliit na pagkakamali sa database ay kanilang agad na naitatama.

Ayon kay DTI Director Fhilip Sawali, ang mga typographical error, clerical error, ay madaling maayos at matutugunan ng DSWD at DTI.

Ang mga retailer na hindi naman makakarating sa araw ng payout ay aabisuhan ng DTI para sa susunod na schedule na kanilang ibibigay.