-- Advertisements --
image 407

Tututukan na rin Department of Trade and Industry ang kalidad ng mga murang bigas sa mga palengke.

Ito ay matapos makatanggap ng mga report ang naturang ahensya na ang ilang rice retailers ay nagbebenta ng murang bigas pero madilaw at may amoy, ayon yan kay Department of Trade and Industry Assistant Secretray Agaton Uvero.

Katuwang din ng naturang ahensya ang National Food Authority sa pag-train sa nga tauhan upang masuri ng maayos ang kalidad ng mga bigas.

Ayon kay Uvero, ang mga eksperto ng NFA at DA ang mas nakaka-alam sa mga kalidad ng bigas na itinitinda sa mga merkado, kayat kailangan ang mga serye ng training upang mas maayos na maipatupad ang monitoring sa mga ibinebentang palay.

Matatandaan na sa ilalim ng Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., itinakda nito ang pagbebenta ng murang bigas, gaya ng regular milled rice na nagkakahalaga lang ng P41 at ang well-milled rice naman na P45.