Nakumpirma na ng Commission on Appointments si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual.
Noong nakaraang taon kasi ay dalawang beses na na-bypass ang posisyon ni Pascual dahil sa reklamong inihain ng mga empleyado ng Philippine Economic Zone Authority.
Subalit sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na walang nalabag sa Civil Service Commission si Pascual gaya ng inaakusa ng mga nagreklamo mula sa empleyado ng PEZA.
Bago naging kalihim ng DTI si Pascual ay namuno ito sa Management Association of the Philippines (MAP), Institute of Corporate Directors (ICD), Asian Development Bank (ADB), University of the Philippines (UP), at Asian Institute of Management (AIM).
Umaasa naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na sa kumpirmasyon ni Pascual ay mapapatatag pa lalo nito ang ekonomiya ng bansa.