-- Advertisements --

Naka-isolate na si Trade Sec. Ramon Lopez, makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Mismong si Lopez ang nagkumpirma ng impormasyon, matapos niyang matanggap ang resulta ng ginawang pagsusuri.

Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng kalihim, nitong mga nakaraang araw.

Kaugnay nito, pinawi ng opisyal ang pangamba ng publiko dahil hindi naman aniya maaapektuhan ang mga trabaho sa kanilang ahensya.

Aniya, nakatalaga naman sa iba’t-ibang tanggapan ang mahahalagang function, kasama na ang monitoring sa mga bilihin ngayong holiday season.