Pinalakas pa ng Department of Trade and Industry ang kanilang mga hakbang para labanan ang mga price manipulators at protektahan ang mga consumers sa kabila ng banta ng La Niña phenomenon.
Muling binigyang-diin ni DTI Secretary Alfredo Pascual ang kanilang suporta sa whole-of-government approach ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. duon sa mga negosyanteng kino kontrol ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang bigas.
Ayon kay Pascual, mahigpit na binabantayan ng kanilang ahensiya ang presyo ng mga bilihin sa buong bansa.
Ito ay bahagi ng kanilang paghahanda sa nalalapit na La Niña.
Nakikipag tulungan din ang DTI sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para i- reactivate ang Local Price Coordinating Councils (LPCCS) na siyang crucial partner ng DTI sa kanilang price monitoring initiatives.
Pinaalalahan din ni Pascual ang mga Filipino na otomatiko ng ipatupad ang price control sa mga lugar na apektado ng kalamidad at isinailalim sa state of calamity dahil sa La Nina.
Babala din ni Pascual sa mga negosyanteng mapagsamantala at sangkot sa illegal price manipulation, tiyak na mananagot ang mga ito sa batas.
Ang ugnayan at koordinasyon ng DTI, DND, DA at DILG ay layong matiyak na nananatili ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ang kolaborasyon ng mga nasabing ahensiya ay patunay sa unified approach ng gobyerno para pangalagaan ang interes ng publiko laban sa mga nananamantala.