Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa.
Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na mataas na presyo ng produktong petrolyo na nagbubunsod naman ng pagtaas ng bilihin sa merkado.
Pag-amin ni DTI Usec. Ruth Castelo, dahil dito ay nakakatanggap na ang kanilang kagawaran ng ilang mga kahilingan sa mga manufacturers sa bansa na magtaas pa ng presyo ng kanilang produkto.
Ngunit paglilinaw niya, ito ay kinakailangan pang sumailalim sa kanilang proseso bago mapahintulutan.
Sa bahagi naman ng mga mamimili ay sinabi ni Castelo na natural lang sa mga ito na maapektuhan ng mga pagtaas na bilihin.
Pero masasabi naman daw niya na naiintindihan ng mga consumers ito ng mga consumers at ang mahalaga ay nananatiling kontrolado at bantay sarado ng kagawaran ang halaga ng mga produktong binebenta sa merkado partikular na sa mga bilihing kabilang sa suggested retail price (SRP) bulletin ng DTI.
Samantala, tiniyak naman ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang isinasagawang pagbabantay sa presyo ng mga bilihin at hindi ito basta-bastang maaaring galawin ng mga manufactures kahit na nagpalit na ngayon ang administrasyon.