Naglabas ng “show-cause” order ang Department of Trade and Industry (DTI) sa isang supermarket dahil sa umano’y hindi paglalagay ng price tag sa ilan sa kanilang mga produkto.
Kasunod ito ng isinagawang price and supply monitoring sa Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC) sa tatlong supermaket sa Makati City ng Department of Trade and Industry-Consumer Protection Group (DTI-CPG) sa pangunguna ni Undersecretary Atty. Ruth B. Castelo.
Ayon sa kagawaran, isa sa mga ito ang binigyang ng show-cause order sa ang ilang produkto na ibinebenta nito ay walang price tag gaya ng nakasaad sa ilalim ng Republic Act 7394 o Consumer Act of the Philippines.
Ipinagbabawal sa naturang batas ang pagbebenta at pag-aalok sa mga mamimili ng anumang produkto na walang maayos na price tag o label, o di kaya ay mas mataas ang presyo kumpara sa nakalagay sa mga tag nito.
Samantala, hindi naman pinangalanan ng kagawaran ang naturang supermarket na bigong makasunod sa kanilang price tag requirement.










