-- Advertisements --

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga residente ng Albay na agad na isumbong sa kanila ang sinumang mananamantala sa pagtaas ng presyo.

Kasunod ito sa kautusan ni DTI Secretary Alfredo Pascual ng pagpapatupad ng “price freeze” sa Albay matapos na isailalim ito sa state of calamity.

Sinabi pa ni Pascual na patuloy ang kanilang ugnayan sa mga manufacturers para matiyak na may sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin.

Nakasaad sa “price freeze” na magiging status quo ang mga presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa Albay gaya ng mga tinapay, delata, sabong panligo at panlaba at maraming iba pa.