-- Advertisements --

Handang tulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) para mapalago at mapalaki ang mga micro, small and medium enterprises (MSME).

Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual, na nagsasagawa na sila ng inventory sa lahat ng mga MSME sa bansa at pinag-aaralan kung paano mapalago ang kanilang negosyo.

Nais kasi nilang mapalaki ang nasabing mga negosyo para mas lalong lumaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan kasi ay mayroong MSME development plan ang gobyerno na nakatutok sa tatlong lugar ang business environment, business capacity at business opportunities.