-- Advertisements --

Dadaluhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 13th World Trade Organization Ministerial Conference sa United Arab Emirates (UAE).

Sila ang mangunguna para sa deligasyon ng Pilipinas para sa naturang event.

Katuwang ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga opisyal mula sa Kongreso at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Foreign Affairs (DFA) at Intellectual Property Office of the Philippines.

Ang ministerial conference ay kapapalooban din ng mga trade ministers at senior officials mula sa 164 na miyembro ng organisasyon.

Matatandaan na ang huling ministerial conference ay ginanap noong 2022 sa Geneva, Switzerland.