Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa umiiral na price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity.

Sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na iiral ang naturang price freeze sa loob ng 60 araw.

Sakop nito ang mga pangunahing bilihin.

Batay kasi sa isinasaad ng RA 7581, kabilang sa mga basic necessities na hindi bigas, mais, tinapay, dried o canned fish gaya ng sardinas, poulty products, itlog, gatas, gulay, kape, asukal, mantika, asin, sabon, uling, kandila, gamot, tubig, prutas at noodles.

Sa loob naman ng 15 days puwedeng i-freeze ang presyo ng liquified petroleum gas (LGP) at kerosene.

Ang paalala ay ginawa ng DTI kasunod ng 6.6 magnitude na lindol na tumama sa Mindanao.

Ang mga negosyanteng mapapatunayang nananamantala sa pagtaas ng presyo ng kanilang paninda ay pagmumultahin ng P5,000 hanggang P1 million.