Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong legal na basehan ang issuance ng suggested retail price (SRP) bulletin para sa mga basic goods.
Ang pahayag na ito ng kagawaran ay kasunod ng inihayag ng Canned Sardines Association of the Philippines na walang enabling law at legal foundation sa SRP.
Ayon sa DTI, base sa Executive Order 913 na inisyu noong 1983, nagawaran ng kapangyarihan at authority ang kalihim ng DTI na bumuo ng rules at regulations para sa pagppatupad ng probisyon at trade and industry laws.
Iginiit di ng Trade Secretary Ramon Lopez na ang SRP bulletin na inisyu ay nagsilbi bilang gabay ng publiko at maiwasan na malinlang o mula sa unconscionable transactions.
Kabilang sa SRP bulletin na inisyu ng DTI ang basic necessities gaya ng canned sardines, processed milk, coffee, bread, instant noodles, salt, detergent soap o laundry soap, bottled water at candles. Saklaw din nito ang mga prime commodities gaya ng Caned meat na luncheon meat, meat loaf, corned beef at beef loaf; condiments gaya ng vinegar, fish sauce (patis) at soy sauce; toilet soap at batteries.
Nauna rito, inihayag ng DTI na kanilang pag-aaralan ang natanggap na request sa pag-adjust ng SRP ng mga produkto kabilang ang tinapay, canned sardines, canned meat at instant noodles dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Ang pinakahuling inisyu ng DTI na listahan ng SRP ay noong Mayo 11.
Samantala, hinikayat naman ng kagawaran ang mga consumers na may nakitang hindi tamang presyuhan ng mga Basic needs at Prime commodities na mas mataas sa SRP na magpadala ng email sa ConsumerCare@dti.gov.ph o tumawag lamang sa One-DTI Hotline (1-384).
-- Advertisements --