ILOILO CITY – Patuloy pa na ginagamot sa ospital ang isang empleyado ng Department of Trade and Industry (DTI) at dalawang graduating students kasunod ng natamong sugat dahil sa pag-collapse ang foot bridge sa Latazon, Laua-an, Antique.
Ang mga biktima ay sina Michael Villavert, 22, Information Technology (IT) staff ng DTI-Antique, at residente ng San Jose Antique; Arlene Bangcaya, 22, estudyante, at residente ng Brgy. Necesito, Laua-an; at si Allen Joy Necor, estudyante, residente ng Brgy. Intao, Laua-an.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Captain Bryan Alamo, hepe ng Laua-an Municipal Police Station, sinabi nito na nanggaling ang mga biktima sa launching ng programa ng LGU Laua-an at Shared Service Facility ng DTI nasabing barangay.
Nang biglang mag-collapse ang footbridge, malala umano ang naging tama sa ulo nga DTI employee.
Minor injuries naman ang natamo ng dalawang estudyante na parehong may on-the-job training (OJT) sa DTI-Antique.
Ani Alamo, dalawang taon pa lang na ginagamit ng mga residente ang footbridge.
Patuloy pa na iniimbestigahan otoridad ang sanhi ng pag-collapse nito.