Ipinag-utos ni Trade and Industry Secretary Fred Pascual na palakasin ang Price and Supply Monitoring sa mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) upang matiyak na walang mag take advantage sa presyo ng mga basic commodities partikular sa panahon ng kalamidad lalo na sa epekto ng Bagyong Betty na patuloy na nagbabanta sa ilang bahagi ng Northern Luzon.
Sinabi ni Pascual na ang kanilang mga Regional and Provincial Offices ay nakikipag ugnayan ngayon sa Local Price Coordinating Councils para ma synchronize ang price and supply monitoring activities.
Tumutulong din ang Negosyo Center Business Counselors sa human resource ng ahensiya para magsagawa ng monitoring sa mga basic and prime commodities para sa presyo at supply ng kani-kanilang mga lugar.
Siniguro naman ng DTI batay sa kanilang market monitoring na sapat ang supplies ng basic goods sa mga groceries para sa susunod na dalawa hanggang apat na linggo.
Siniguro naman ng DTI na patuloy nilang mino-monitor ang presyo ng mga canned fish, instant noodles, bottled water, bread, processed milk, coffee, candles, laundry soap, detergent, salt or asin at iba pang basic necessities.