-- Advertisements --

Nanindigan si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na si Tereso Panga ang itinalaga nitong Officer-in-Charge ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Kasunod ito sa hindi pag-alis sa puwesto ni dating PEZA Director-General Charito Plaza at hindi nito susundin ang kautusan ni Pascual.

Iginiit ni Plaza na ang PEZA ay hindi kabilang sa Memorandum Circular ng MalacaƱang noong Hunyo na nagdedeklarang bakante ang mga head agencies.

Paliwanag pa ng DTI Secretary na ang dapat ay patunayan ni Plaza ang kaniyang pahayag at kung ito nga ba ay may pinanghahawakan.

Kinukuwestiyon din nito ang pahayag ni Plaza na ang PEZA ay exempted sa memorandom.

Si Panga ay deputy general ng PEZA na siyang most senior official para sa nasabing ahensiya.