Maglulunsad ng pagsisiyasat ang Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa marijuana-laced vapes na naglipana ngayon sa merkado.
Ito ay matapos ibunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pamamayagpag ng presensiya ng vape products na may marijuana oil na nadiskubre sa ikinasang anti-illegal drugs operations.
Ayon kay DTI Consumer Protection Group Assistant Secretary Amanda Nograles nakakabahala ang naturang usapin dahil hindi may halong iligal na droga.
Kaugnay nito, nangangalap na ang ahensiya ng karagdagang impormasyon sa mga vape na may flavor descriptor.
Sa ngayon wala pa namang nakumpiska ang DTI ng mga vape na mayroong marijuana oil subalit sakaling mayroon man ay agad umano nila itong irerefer sa PDEA.
Sinabi din ng DTI official na ang mga nagbebenta ng vap online na binalaang huwag ng ibenta ang kanilang produkto ay karaniwan naman aniyang sumusunod.
Muli namang nagpaalala ang DTI sa publiko na huwag tangkilikin ang marijuana-laced e-cigarettes dahil mapanganib ito sa kalusugan at higit sa lahat ipinagbabawal ito sa ilalim ng umiiral na batas.