-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pananamantala ng mga negosyante sa usapin ng “shrinkflation”.

Sinabi ni Trade Assistant Secretary Amanda Nograles na pinapayagan nila ang pagkakaroon ng “Shrinkflation” o ang pagpapaliit ng ilang produkto pero mananatili pa rin ang presyo.

Ang nasabing hakbang aniya ay ginagawa ng mga negosyante para makasabay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kanilang mga raw materials.

Dagdag pa nito na dapat ipaalam ng mga negosyante sa mga consumers na nagbawas sila ng mga sangkap kahit na hindi gumagalaw ang mga presyo.

Pinayuhan nito ang mga consumers na isumbong sa kanilang opisina ang anumang makikitan nilang paglabag ukol sa nasabing usapin.