DAVAO CITY – Patuloy pa rin sa pagdagsa ang mga aplikante ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development XI – Davao Field Office kaninang umaga para magsumite ng kanilang mga kinakailangan sa Educational Assistance sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) program.
Ito ay sa kabila ng anunsyo ng nasabing ahensya na suspendido ang pagtanggap ng mga aplikasyon para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga nangangailangan.
Pero marami pa rin ang pumunta kung kaya’t umabot ang linya sa kabilang tanggapan ng BFAR XI.
Marami sa mga pumunta ang nagreklamo at nagpahayag ng kanilang mga sentimyento dahil maaga silang pumila at nag-aalala rin sila sa mga matatanda at buntis dahil wala pa itong kain.
Sa kabilang banda, isang empleyado ng naturang ahensya ang nagpaliwanag na tatanggapin nalang nila ang kanilang dokumento kahit paman na walang kasiguradohang mai-tetext agad ito dahil marami pang naunang aplikasyon ang kinakailangang iproseso.