-- Advertisements --

Siniguro ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec Rex Gatchalian ang ibibigay na tulong sa mga local government units sa buong bansa, na maaaring labis na maapektuhan ng El Nino.

Ayon sa kalihim, bago pa man ang deklarasyon ng El Nino ay mayroon nang naka-imbak na pagkain at mga non-food items sa mga warehouse ng DSWD na sadyang para sa mga apektado ng tagtuyot.

Nakahanda aniyang ipadala ang mga ito sa mga LGUs sa buong bansa.

Bukod sa Family Food Packs ay nakahanda rin umano ang cash assistance na maaaring ibigay sa mga residente.

Maalalang una nang idineklara ng state weather bureau ang posibilidad ng pagtagal pa ng El Nino sa buong bansa hanggang sa susunod na taon, kung saan maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga probinsyang maaapektuhan.

Una na ring bumuo si Pang. Ferdinand Marcos Jr ng El-Nino Monitoring Team na siyang tututok sa epekto nito, kasama na ang rehabilitation sa mga lugar na maaapektuhan.