-- Advertisements --

Iginiit ng Department of Social Welfare and Development na tapos na ang mga small farm reservoirs para sa tatlong lalawigan na labis na maaapektuhan ng El Niño.

Ang lalawigan ng Ifugao sa Luzon, Antique sa Visayas, at Davao de Oro sa Mindanao ay ang mga pilot province ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access ng DSWD.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, tiyak na magbibigay ang small farm reservoirs na ito sa mga lalawigan ng sapat na suplay ng tubig at tuloy-tuloy ang produksyon ng agrikultura at pangingisda.