-- Advertisements --
DSWD REX GATCHALIAN

Nakipagpulong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga opisyal at miyembro ng National Area Based Standards Network (ABSNet) sa pangunguna ng Chairperson nitong si Fr. Arnold M. Abelardo sa DSWD Central Office sa Batasan, Quezon City.

Sa pagpupulong, muling pinagtibay ng DSWD at nasabing grupo ang kanilang pagtutulungan upang matiyak ang napapanahong paghahatid ng mga de-kalidad na serbisyo at programa sa mga mahihirap at mahihinang sektor.

Ang National Area Based Standards Network ay isang national network ng humigit-kumulang 3,447 social welfare and development agencies (SWDA).

Ang organisasyon ay binubuo ng humigit-kumulang 64 na organized cluster sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Binubuo ito ng local, regional and national clusters kabilang ang: mga social welfare and development agencies na nagtatrabaho kasama ang mga kabataan, pamilya at komunidad, at senior citizen pati na rin ang mga nagbibigay ng pantulong na serbisyo sa kapwa social welfare and development agencies sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng kakayahan at financial support.

Ito ay nagsisilbing makabuluhang katuwang ng DSWD sa pagtukoy at pagbibigay ng technical support sa mga unregistered, walang lisensya, at accredited organization na nagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng DSWD.