-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw ang pamamahagi ng P500 monthly subsidy para sa mahihirap na pamilya para matulungan sila mula sa impact ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at mga bilihin.

Sa ilalim ng Targeted cash Transfer (TCT) program, nasa 1.2 million household benefeciaries na mayroong existing cash cards ang makakatanggap ng unang tranche ng naturang cash aid na nagkakahalaga ng P1000 o dalawang buwang halaga ng subsidiya.

Sa joint Memorandum circular No 1 series of 2022, nakapaloob ang guidelines para sa imlementation ng naturang programa na nilagdaan ng DSWD, Department of Finance, Department of Budget and Management at National Economic and Development Authority.

Sa ilalim ng naturang guidelines, magbibigay ang DSWD ng cash grants na nagkakahalag ng P3,000 o P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan para sa humigit-kumulang 12.4 million household beneficiaries.

Kabilang sa mga benepisyaryo na makakatanggap ng cash aid ay ang 4 million household na kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 6 million non-4ps household at individuals na dating benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer Program of 2018 hanggang 2020 sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law kabilang ang mga beneficiaries ng Social Pension Program.

Kasama din sa mabibigyan ng ayuda ang 2.4 million households sa database na pasok sa poverty data sources ng DSWD.

Ipapamahagi ang cash subsidy sa pamamagitan ng cash cards na at sa ibang bangko electronic money issuers, o remittance centers.