Nag-anunsiyo na ang Caltex Philippines na mas maaga ang ipapatupad nilang taas presyo sa mga produktong langis ngayong araw ng Martes.
Ayon sa Caltex, mamayang alas-12:01 pa lamang madaling araw ang implementasyon ng P0.70 na price hike sa gasolina bawat litro, sa diesel naman ay P2.60 sa kada litro at sa kerosina ay umaabot naman sa P2.80 sa bawat litro.
Samantala ang iba pang mga kompaniya tulad ng Sea Oil, PTT PHilippines, Shell, Petro Gazz at Uni Oil, ay bukas naman ng alas-sais ng umaga magpapatupad ng oil price hike sa kahalintulad ding presyo.
Samantala ang kompaniyang Clean Fuel ay bukas pa ng alas-4:01 ng hapon ang kanilang implementasyon ng oil price increase.
Ang oil price hike ay kasunod ng pitong sunod-sunod naman na linggo na may bawas sa presyo ang mga produktong petrolyo.