-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Agad na namahagi ng tulong ang DSWD Region 2 sa pitong libong pamilya na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa San Manuel at Aurora, Isabela.
Sa pangunguna ni Regional Director Cezario Joel Espejo, namahagi ng Family Food Packs at 3,000 cash assistance ang kagawaran sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa mga naaepktuhang pamilya.
Nasa mahigit limang libong pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa anim na barangay sa San Manuel habang mahigit dalawang libo naman sa Aurora.
Patuloy ang pag-validate ng mga awtoridad sa bilang ng mga apektado at pinsala ng naganap na pagbaha.