-- Advertisements --

Pinangunahan ng DSWD ang digital transformation na tutulong sa pag gamit ng state-of-the-art digital public infrastructure (DPI) technologies sa mga ahensya nagbibigay ng social protection services.

Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, ang ahensya raw ay sumasailalim sa malawakang pagpapabuti ng information at communication technology (ICT) infrastructure, ang proseso pati na ang workforce upang mas maging maganda ang serbisyo sa mga benepisyaryo at partners ng ahensya.

Kinikilala raw ng ahensya ang kahalagahan ng teknolohiya sa pagbibigay ng napapanahon at dekalidad na serbisyo sa mga gao kaya nais nitong mas pagandahin pa ito sa pamamagitan ng digital transformation.

Sa ngayon, pinatutuonan ng ahensya ang ICT infrastructure kasama na ang pagpapatibay ng digital platforms nito.

Mayroon ring mga training at development programs para workforce ng ahensya na siyang magsasagawa ng mga programa nito.

Patuloy naman ang pakikipag ugnayan ng DSWD sa mga software developers at technology professionals upang mas maging maganda at progressibo ang digital government hinahangad ng ahensya.