-- Advertisements --

Ipinamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang payout para sa Cash-for-Work program sa mga residente na naapektuhan ng oil-spill sa Oriental Mindoro.

Unang nabigyan nila ng payouts ay mga residente ng munisipalidad ng Mansalay, Pola at Bulalacao.

Susunod naman na isasagawa ang payout activities sa darating na Mayo 15 hanggang 19 sa mga munisipalidad naman ng munisipalidad ng Gloria, Roxas, Bangabong, Bansud, Pinamalayan, Naujan, Baco, San Teodoro, Socorro, at Victoria at lungsod ng Calapan.

Aabot sa 25,000 na mga indibidwal mula sa Oriental Mindoro ang nakibahagi sa cash for work program ng ahensiya.

Mula Mayo 10 ay umabot na sa mahigit P313 milyon ang naibigay na tulong pinansiyal ng DSWD sa mga residente ng MIMAROPA Region.