-- Advertisements --

Nakumpleto na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief efforts para sa mga pamilayang naapektuhan ng lindol sa Mindanao at baha dulot ng masamang lagay ng panahon sa Visayas.

Ayon kay DSWD ASec. spokesperson Romel Lopez, nasa kabuuang P870 ang halaga ng naipamahagi sa mga biktima ng nasabing mga kalamidad.

Ang field offices nito sa Eastern Visayas (Region 8), Soccsksargen (Region 12), at Caraga region (Region 13) ay nakapagbigay ng family food packs na nagkakahalaga ng mahigit P284 million at non-food items na nasa mahigit P6 milllion.

Ang field offices naman ng DSWD sa Visayas at Mindanao ay nakapaghatid ng tulong pinansiyal na P578 million para sa mahigit 150,000 pamilyang sinalanta ng nasabing mga kalamidad sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer and Assistance to Individuals in Crisis Situation programs.

Matatandaan, sinimulan ang relief response efforts ng DSWD sa disaster-affected areas sa Visayas at Mindanao noong huling kwarter ng 2023.