-- Advertisements --
Muling itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may pondong ginamit para People’s Initiative.
Ayon kay DSWD Asssitant Secretary at spokesperson Romel Lopez, na walang pondo mula sa kanilang opisina ang inilabas sa nasabing signature campaign.
Hindi aniya konektado ang kanilang programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS sa People’s Initiative.
Magugunitang lumutang ang nasabing usapin matapos na ginagamit umano ng ilang opisyal ng gobyerno na may makukuhang ayuda mula sa DSWD ang sinumang pumirma sa People’s Initiative.